Count Down

Thursday, 21 August 2014

Wika ng Bayan tungo sa Pagkakaisa



            Ang ating pambansang bayani si Jose Rizal, ay nagpahayag ng kahalagahan ng pag-ibig sa bansa sa pamamagitan ng pagmamahal sa wikang Filipino. Ang sabi niya ay “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mas masahol pa sa m alansang isda.” Hindi maituturing na makabayan ang isang tao kung ikina hihiya niya ang sariling wika. Ito ay isang bagay na dapat mapagtantong mabuti ng mga kababayang natin na walang pagpapahalaga sa sariling wika.
            Sa lahat ng lugar sa iba’t-ibang sulok n gating bansa, mayroong kanya-kanyang mga wika. Pero iisa lamang ang napili bilang ating pambansang wika, ito ay ang wikang Filipino. To ang paraan o daan para sa pagkakaroon ng magandang pakikipag-ugnayan, unawaan at mabuting samahan ng bawat Pilipino sa ating bansa. Hindi rin mawawala ang mga bansang may mga Overseas employment workers na kung saan natutunan ng mga banyaga kung paano magsalita sa Filipino. Ngayong pumapasok na ang iba’t-ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan nating pahalagahan at wastong gamitin n gating pambansang wika. Ang ipaalam sa kanila ng kung nandito ka sa Pilipinas, dapat matuto kang magsalita sa wikang Filipino upang lubos na makilala ang kultura at panitikan n gating lipunan.
            Ang ating wika ay sumusimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika, nagkakaintindihan ang lahat at nagkakaroon ng iisa ng hangarin na bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ngayong nasa tuwid na landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na daan sa iisa nating hangarin, at ito ang pagbabago sa lipunan. Sana ay gamitin natin ng wasto at taas noo tayong magsalita ng ating sariling wikang Filipino.

No comments:

Post a Comment