Ang ating pambansang bayani si Jose Rizal, ay nagpahayag
ng kahalagahan ng pag-ibig sa bansa sa pamamagitan ng pagmamahal sa wikang
Filipino. Ang sabi niya ay “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay
mas masahol pa sa m alansang isda.” Hindi maituturing na makabayan ang isang
tao kung ikina hihiya niya ang sariling wika. Ito ay isang bagay na dapat
mapagtantong mabuti ng mga kababayang natin na walang pagpapahalaga sa sariling
wika.
Sa lahat ng lugar sa iba’t-ibang sulok n gating bansa,
mayroong kanya-kanyang mga wika. Pero iisa lamang ang napili bilang ating pambansang
wika, ito ay ang wikang Filipino. To ang paraan o daan para sa pagkakaroon ng
magandang pakikipag-ugnayan, unawaan at mabuting samahan ng bawat Pilipino sa
ating bansa. Hindi rin mawawala ang mga bansang may mga Overseas employment
workers na kung saan natutunan ng mga banyaga kung paano magsalita sa Filipino.
Ngayong pumapasok na ang iba’t-ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan
nating pahalagahan at wastong gamitin n gating pambansang wika. Ang ipaalam sa
kanila ng kung nandito ka sa Pilipinas, dapat matuto kang magsalita sa wikang
Filipino upang lubos na makilala ang kultura at panitikan n gating lipunan.
Ang ating wika ay sumusimbolo ng isang bansang matatag at
nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa
mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo
ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika, nagkakaintindihan ang lahat
at nagkakaroon ng iisa ng hangarin na bumangon mula sa mga pinagdaanang
problema. Ngayong nasa tuwid na landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi
na mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na daan sa iisa nating
hangarin, at ito ang pagbabago sa lipunan. Sana ay gamitin natin ng wasto at
taas noo tayong magsalita ng ating sariling wikang Filipino.